In the
market of ideas, no one has the monopoly, Even the meek and the lowly has at
least a story to tell.
Sa pang
araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kapwa, naroon lagi ang palitan ng mga
ideya, tunggalian ng isip, at brasuhan ng paniniwala. Ito ang tunay na
nangyayari, mula sa tahanan hanggang sa kalye.
Sa isang
collegial body o deliberative body tulad ng kongreso o kahit ng isang maliit na
konseho, an gating mga representante ay ating ibinoto upang makipagtagisan ng talino
at tumulong sa pagbuo ng mga batas na idinaraan sa isang maigting na
deliberasyon, upang sa huli ay makabuo ng isang alituntuning susundin ng lahat,
proponent man o appointees.
At tulad sa
merkado, kung hindi ka maingat sa pagpili sa bunton ng kamatis, may nahahalo
itong bulok at walang kapakinabangan. Sa konseho man ay may bulok din. Kapag
nagkamali ka ng pili, darami ang miyembro ng “committee on silence”
Sabi ng iba,
ito ay dahil sa bulag o nagbubulag-bulagan ang namimili o botante. Noon, “blood
is thicker than water”. Ngayon, “money
is thicker blood”. Kaya, magkapatid man at magkadugo ay nagpapatayan upang
makapasok sa konseho, matino man o bulok.
Ikalawa, sa
panahon ng eleksiyon, bawat boto ay mahalamilyon-milyga. Mahalaga dahil ito ay
nagkakahalaga ng P5,000 – P10,000. Kaya kapag naluklok ang isang nanalo,
sasabihin nito na ang bayan ay bayad na at ngayon naman ay ang pagbawi ng milyon-milyong nagasta.
Ating isipin
bayan, ang isang senador ay gumagastos ng humigit kumulang P300 million. Ang
isang congressman naman ay P50 – P100 million. Magkano ba ang suweldo ng isang
senador o kongresista sa loob ng tatlong taong pagkakaupo? Sigurado ko, walang
matinong gagawin iyan kung hindi ang babawiin
sa nakaraang nagastos nito.
Huwag na
tayo lalayo, dito man sa Autonomous region ay mayroon ding kahalintulad na
pangyayari. Sabi nga ng mga nakaaalam, may malala dito sa atin.
Manood ka sa
mga sessions, makikita mo ang maraming mukha ng kabobohan. May parang batang
naglalaro ng chair, may nagmamake-up, may kunwari ay nakikinig at nagbabasa,
subalit kapag tumayo na at nagsalita,
Ingles kabayong masakit sa tenga ang maririnig mo. Pito – pitong ingles at bali pa ang ika-pito.
Kaibigan,
hindi ka pumasok sa isang templo upang mag-reflect o mag meditate. Nasa RLA ka
kaibigan, at dapat lang na mag-ingay ka.
Ipagbili o
ibenta mo ang iyong mga brilliant ideas. Ipaglaban mo ang mga hinaing ng iyong
constituency. Hilutin mo ang iyong dila at iparinig mo ang laman ng iyong
isipan. Dito ka binabayaran, dito ka inaasahan.
Ito po ang inyong
lingkod, Rey Pelaez na nagpapaalalang tulad ng isang panliligaw, hinto ito nakukuha
sa papogi-pogi at pangiti-ngiti lamang. At tulad ng isang honorable, dapat
hindi ka lamang may honor, able, at competent ka pa sana. Magbago kana
kaibigan, samahan mo si Noynoy sa tuwid na daan, na may tuwid na dila at
kaisipan. Huwag kang magwang-wang sa iyong kabobohan.
No comments:
Post a Comment