Monday, December 24, 2012

STATE OF THE REGION ADDRESS OF ARMM RG MUJIV HATAMAN

STATE OF THE REGION ADDRESS (SORA)
of
ARMM RG MUJIV HATAMAN

Bismillahir Rahmanir Rahim.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakhatu//

Mga kababayan, sa unang pagkakataon ako ay humaharap at mag-uulat sa inyo sa tunay na estado ng ating rehiyon.

Hindi lingid sa ating kaalaman, dugo, buhay ng ating mga ninuno ang puhunan kung bakit nabuo ang ARMM.

At hindi rin po lingid sa ating kaalaman nang dahil sa kanilang mga sakrpisyo kung bakit nandito tayo ngayon.

At ngayon, di ba dapat handa rin tayo magsakripisyo upang tuparin ang kanilang mga sinimulan at mga pangarap.

Kayo, ako at ang ating mga ninuno ay pare pareho ang mga pangarap, ito ay ang pagkakaroon ng isang mapayapa at malayang  pamayanan at tunay na kapaki-pakinabang na pamahalaan para sa ating mga kababayan:

-Isang pamahalaan na bukas sa ating mamamayan

-isang pamahalaan na may  pananagutan sa ating mga kababayan

- at isang pamahalaan na tunay na alipin ng mamamayan at hindi yaong naghari-harian.
Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit  magkakasama tayo ngayong hapon.

Mga ilang taon na ang nagdaan, kakambal ng ARMM ang salitang  kurapsyon at pandaraya. Kung saan ang pera ng taong bayan ay napupunta lamang sa wala.

Mga ilang taong ding nagdaan, kakambal ng ARMM ang kaguluhan at kahirapan. Libu-libong pamilya ang gumagapang na sa lusak gumagpang na nga sa kumunoy ng kahirapan ay napipilitan pang lumikas sa kanilang mga tahanan at mga sakahan bunga ng digmaan at hidwaan.

Ito ang dahilan kung bakit ang pamahalaan ni Pangulong Aquino ay pursigidong magkaroon ng malawakang reporma at pagbabago sa sistema ng pamamahala sa ating rehiyon.

Ito rin ang dahilan kung bakit pursigido si Pangulong Aquino at kanyang mga kaalyado sa suporta ng buong gobernador ng ARMM at kongreso na maisabatas ang RA 10153 o ARMM synchronization law.  

Layunin ng batas na ito ay hindi lamang pagsabayin ang pambansa at lokal na halalan kundi nagtatakda ito ng transitional na pamahalaan sa rehiyon upang magpatupad ng mga kaukulang reporma at pagbabago.

Dito ho natin hinugot ang ating mandato ng pamamahala sa ARMM. Malinaw ang ating atas, ang linisin ang buong burukrasya ng ARMM at magpatupad ng reporma upang makamit ang malawakang  pagbabago sa ating rehiyon.

Apat na araw na lang mula ngayon ay opisyal na tayong mag  iisang taon sa panunungkulan.  Napakabilis po ng panahon. Ngunit kahit sa napakaigsing pagkakataon pwede na po nating ipagmalaki ang ating mga nagawang reporma at pagbabago.

Unti unti na nating naibabangon ang ARMM at pwede na rin tayong mangarap muli mga kababayan. At isinusumpa namin sa inyo, at itaga ninyo sa bato, na gagawin natin ang lahat upang unti-unti nating makamit ang ating mga pangarap – mga pangarap na sinimulan ng ating mga kanunu-nunoan.

Isa sa mga pangarap ng bawat magulang ay ang pagkakaroon ng magandang edukasyon para sa kanilang mga anak. Subalit nakakalungkot isipin na nahuhuli po tayo sa lahat ng aspeto sa larangang ito. Dahil dito mga kababayan,inaaanyayahan ko po kayo na panoorin natin ang maigsing palabas upang maglalarawan ng tunay na kalagayan ng edukasyon sa ating rehiyon.

Ayon sa talaan ng EBEIS (Enhanced Basic Education Information System) ng DepEd-ARMM sa 2011, Kulang tayo ng LIMANG LIBO LIMAMPU’T PITO (5,057) silid-aralan, TATLONG LIBO APAT NA RAAN AT PITUMPOT SIYAM (3,479),  na mga guro; at ang kakulangan natin ng upuan ng mga mag-aaral ay umabot ng kulang-kulang ng KALAHATING BILYON!
Maliban dito nariyan pa rin kahit blackboard, chalks at eraser kailangan pa ng ating mga teacher humingi at magsolicit sa mga magulang na naghihirap sa ating rehiyon, kahit na dadaan kayo mula Cotabato papuntang Zamboanga o Lanao makikita nyo ang mga flagpole na wala nang mga watawat na simbolo sana ng ating pagiging nasyonalismo at paging ARMM.   

Ang lahat ng mga kakulangang ito ay unti-unti nating sinasagot sa pangunguna ng bagong pamunuan ng DepEd.

Inaasahan natin na sa pagdating ng 2013, ay makakapagpatayo tayo ng 2,950 na school building at malamang ay mahihigitan pa natin ito dahil sa  2,500 school-building projects ng BEAM-ARMM na  kabahagi ng P3.9 bilyon na tulong mula sa Aus-AID at Australian government. Kung kaya’t maraming salamat sa Australian government, maraming salamat  sa Aus-AID.

Ang kakulangan natin sa mga guro ay mapupunuan na rin po natin pagdating ng 2013.  Nangako po si Pangulong Aquino at ng DBM at maibibigay sa atin  ng mahigit 2000 item ng kakulangan pagdating sa 2013.

Habang target po natin ng 50% ang kakulangan sa upuan sa darating na 2013.

Sa kabuu-an, ang mga kakulangang nabanggit ay tuluyan na mapupunuan sa patuloy na pag-lilinis ng DepEd-ARMM sa talaan ng estudyante. Ang ating paglilinis ay nagbigay daan sa pagdiskubre ng 75,229 ghost students nuong taong 2012.

Pinunu-an natin ang kakulangan sa watawat at nagsimula na tayong magbigay ng mga blackboards. Nitong taon, limang libong blackboards ang ating ipinamimigay at patuloy tayo mamimigay hanggang ang lahat ng silid aralan ay magkakaroon ng mga blackboards.
Kasabay ng pagbibigay natin ng atensyon sa mga kakulangang pang-edukasyon, ay ang pagpapahalaga natin sa kapakanan ng ating mga guro. Kung kaya prayoridad natin ang maaga at tamang pasahod. Sinundan natin ito ng pagsasaayos ng kanilang Step Increments.

Marahil, hindi naman lingid sa ating kaalaman na napakarami sa ating mga guro ay sadlak sa utang. At ang inaasahan nating benepisyo mula sa GSIS ay walang hong kasiguraduhan. Ang napakatagal na suliranin ng ating mga guro patungkol sa kabayaran ng mga loans at benepisyo sa GSIS ay buong tapang nating hinarap, sa pamamagitan ng pakikipag-usap at paglagda ng kasunduan sa GSIS. Inuna nating binayaran ang utang ng DepED-Marawi sa halagang (P5 million) ng di pa ito kasama sa ARMM. At ganun din po ang aking probinsiya, ang probinsya ng Basilan, bago poi to sumapi sa ARMM, nagkaroon ng utang na (P14 million) at binayaran na rin po ito ng DepEd-ARMM, kung kaya’t kung tatanungin natin ang guro ng Marawi at Basilan, nakakautang na po sila sa GSIS ngayon ng hindi bababa sa 200,000 pesos.  

Eto po ang magandang balita, at sa susunod na taon, ay tuluyan na nating mababayaran ang kabuuang utang ng DepED-ARMM na humigit-kumulang po ng P1.9 billion alinsunod sa pangako at  kagustuhan ng Pangulong Aquino na matuldukan na ang utang na ito. Pero eto po ang sambit ng ating pangulo, kung sino ang nagwaldas ng pera ng GSIS ay dapat lamang po na pananagutin natin. Hindi po pwede walang magbabayad dito sa utang na ito at hindi rin daw puwede, sabi ng ating pangulo na walang managot at makulong sa 1.9 billion na ito.

Sa pagpasok ng taon ay pwede nang mag loan ang ating mga guro mula sa Land Bank, bunga ng Memorandum of Agreement na pinirmahan natin nung 2 buwan na nakakaraan, alam nyo merong mga guro, ang utang lang 9 years ago ay 100,000 sigurado ako andito ang teacher na yun, kung andito ka man, pwede po kayong tumayo.  Noong nakaraang buwan umabot ng 800,000 ang kanyang utang. Araw-araw, buwan-buwan ay kinakaltasan kaya pakiusap po natin sa mga nagpapautang tigil-tigilan na natin dahil hindi namin kayo tatan-tanan at hindi kami makakapayag na gawin nating negosyo ang edukasyon sa ating rehiyon.

Dahil sa pagsusumikap ng DepEd sa pagpapatupad ng repormang pinansyal, nakalikom ito ng 224,227,269.90 pesos. Kaya inatasan na natin si Sec. Jamar Kulayan na magsimula ng pagbayad ng BACKPAYS at SALARY DIFFERENTIALS ng 2011 at 2012.

May nalikom din ang DepED-ARMM na P135 million na pwede nating gamitin sa pagsasaayos ng mga silid aralan at pambili ng mga upuan.

Upang itaguyod at paigtingin ang kampanya sa pagtataas ng antas ng kalidad ng edukasyon sa ARMM, ang pamunuan ng DepEd ay naglunsad ng mga programa at mga proyekto na ngayon lang naipatupad. Tinagurian nila itong “37 Firsts of DepED-ARMM”. Napapaloob na dito ang iba’t-ibang suporta at tulong sa pamamagitan ng training at capacity building mula sa iba’t-ibang organisyon tulad ng PLDT-SMART Foundation, SEAMEO-INNOTECH, Synergia, AMORE, AAI, UNICEF, GIZed-Fit For School, USAID pati na rin si Ronald McDonald na kasalukuyang nagbibigay ng libreng training sa Alnor.

At di rin natin nakalimutan ang tulong ng butihing pamahalaan ng Australia na nagbigay ng P3.97 Billion tulong pinansyal sa pagpapatupad ng BEAM-ARMM Program kung saan napapaloob ang Early Childhood and Basic Education, School Health, Tech Voc training para sa mga Out Of School Youth, at ang pagpapagawa ng Learning Centers sa mga liblib na sitio at barangay na walang paaralan na siyang ipapatupad ng kilalang NGO mula sa Bangladesh (BRAC).

Hindi po kumpleto ang ating programa sa Edukasyon kung walang direktang benepisyo sa ating mga mag-aaral. Sa ngayon, tayo ay may 6, 540 iskolars sa ilalim ng TESDA at 607 scholars sa ilalim ng Commission on Higher Education.
Muli, tayo ay nagpapasalamat sa mga institusyong patuloy na tumutulong sa atin, dahil ito ay simbolo ng kanilang tiwala sa atin.

On Health

Tumungo tayo sa usaping kalusugan.

Dati- rati lagi nating naririnig hindi lamang sanggol ang namamatay, kundi pati nanay sa panganganak, at minsan ay sanggol at nanay sabay- sabay.

Mayroon tayong mga kababayan na di man lang nakakita ng doktor mula pagkabata. Mayroon din tayong mga kababayan na kelangan pang maglakad o magbangka ng ilang oras bago makarating sa isang pagamutan o health center.

Dati, sa 100,000 livebirths, 245 na ina ang namamatay, ngayon bumaba ito ng 66.  Bumaba din ang bilang ng mga sanggol na namamatay sa kada 1,000 livebirths mula 55 sa 18 na lamang. Hudyat po ito na nakamit na natin ang target sa ilalim ng Millenium Development Goal. Salamat sa DOH.

At sigurado tayong lalo pa itong bababa, sa pagpasa ng Reproductive Health Care Law, salamat sa RLA. Dahil dito, ay mas marami pa tayong buhay na maisasalba.
Nagdagdag na rin po tayo ng 199 na health facilities sa buong rehiyon kasama ang 18 ambulansya na gagamitin ng ating mga hospitals.

At bukod dito nadagdagan na rin po ng 80,000 na pamilya ang nabiyayaan ng PhilHealth.

On Livelihood

Dumako naman tayo sa usaping pangkabuhayan.

Maliban sa edukasyon at kalusugan, ang kawalan ng trabaho ay isa rin sa resulta ng matinding kahirapan.

Ang Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources ay nag lunsad ng Fish for Peace program na may apat na components:

Kapayapaan

Bantay Dagat

Binhi ng Kapayapaan

Kabuhayan Pangkapayapaan.

Sa ilalim ng programang ito, tayo ay nakapamigay ng 61 units ng Payao na pinakinabangan ng 1, 525 na mangingisda. Dahil sa Bantay Dagat, 70 porsyento ng ating coastlines ay nasa ilalim na ng protection coverage ng BFAR. Naka organisa tayo ng mga Bantay Dagat at sila ay binigyan natin ng kaukulang kagamitan tulad ng motor-engined boats, marine engines, MCS Patrol boats, at 28-footer patrol boats. Dahil dito, ang ating Bantay Dagat ay nakahuli ng isang foreign-registered fishing vessel noong Abril 22, at nailigtas natin ang 5 bundles ng black coral, 52 hawksbill turtles at 600 kilograms ng hammerhead fish na declared endangered species.

Sa Binhi ng Kapayapaan, nakapamigay ang BFAR ng 5.522 million species ng Tilapia fingerlings at 679,000 pieces ng carp fingerlings sa 2,698 na beneficiaries. At sa Kabuhayan Pangkapayapaan, nakamigay ang BFAR ng gillnets, hook and lines, fishpots, motorized at non-motorized bancas at fish corals, sa 10, 101 na mangingisda at 105 na asosasyon.
Maraming salamat sa BFAR.

Kasabay ng mga initiatiba tungo sa pag aangat ng ekonomiyang katayuan ng ating mga kababayan, patuloy rin tayong namamayagpag sa paghahatid ng mga programa ng pamahalaan upang maibsan ang kahirapan, salamat sa ating Department of Social Welfare and Development, sa pamumuno ng ating mahal na Regional Vice Governor Bainon Karon.

Mayroon na tayong P625,000,000.00 Micro Livelihood Enterprise para sa capacity building ng mga kababaihan mula sa Transition Investment Support Plan o Stimulus Fund sa DSWD.
Nakapagbigay na rin po tayo ng P214,750,000.00 capital seed fund para sa 2,500 asosasyon ng  Self-Employment Assistance-Kaunlaran o SEA-K sa buong rehiyon.

Umabot na rin sa 8,836 senior citizens ang beneficiaries ng Indigent Senior Citizens Social Pension Program ng DSWD-ARMM.

Nakapamahagi na rin tayo 1,538  ng Free Birth Certificates sa tulong ng UNHCR.

Nakapagrelease  na rin po tayo ng halagang P691,865,000.00 para sa 18,900 mga benepisaryo ng programang Cash for Work maliban pa sa P215,300,000.00 para sa 21,530 benepisaryo ng Sustainable Livelihood Program.

Umabot na po sa 317, 733 pamilya ang nakakabenepisyo ng 4Ps sa buong rehiyon.
Nakapagpatayo na rin tayo ng 209 Modified Shelter Assistance at 140 units pa ang on-going para sa mga IDP’s sa Maguindanao, Sulu at Basilan.

Kung dati-rati karamihan sa ating mga magsasaka ay nagpapakahirap na mag bungkal ng lupa na hindi nila pag aari, ngayon mayroon nang 286 mga magsasaka sa rehiyon ang malayang makapagsaka sa kanilang sariling lupain matapos mabigyan ng Certificate of Land Ownership Awards  o CLOAs ng DAR-ARMM.  Ito po ay totoong lupa, at totoong magsasaka, wala pong ghost dito.

On infrastructure

Dati rati ay umaabot ng lampas dalawang oras ang tinatagal upang makarating ang mga tao mula sa munisipyo ng Panglima Sugala papuntang Bongao, subalit ngayon po ay hindi na umaabot ng isang oras ang paglalakbay nila, salamat sa naipatayong tulay na nagdugtong sa dalawang isla na nagkakahalaga ng P337 milyon.

Hindi lamang po natin kinonekta ang mga isla ng Tawi Tawi at nilagyan ng tulay sa ibabaw ng dagat. Dahil sa ito ay napapaligiran ng dagat, maging ang tubig nito ay maalat, kaya sa 320M na pondong kailangan para sa sistemang patubig ng  Tawi Tawi, ang Regional Government, sa pamamagitan ng RLA ay naglaan ng 70M para dito. Ngunit, ang initiatibang ito ay nagbigay daan sa isang magandang balita, inako na ni Pangulong Aquino ang buong 320M para sa patubig ng Tawi Tawi kung kaya’t ang 70M ay mapupunta na sa pagsesemento ng kalsada ng Panglima Sugala-Bongao Road.

Noong Hunyo nitong taon, ay ipinagmalaki natin ang P59.2 milyon savings sa DPWH na nagamit natin sa pagbili ng mga bagong heavy equipment na ipamamahagi sa ibang-ibat distrito sa rehiyon.

Ang savings na ito ay tinuring nating parang milagro, dahil hindi pa nangyari sa kasaysayan ng ARMM ang ganito. Ngunit makalipas ang anim na buwan, ay muli nating napatunayan na hindi ito imposible, bagkus ay natural na resulta ng malinis at maayos na pamamahala. Muli, dahil sa open competitive bidding at prudent fiscal management, na kanilang ipinatupad, ang DPWH ay nakalikom muli ng savings na P46.775 Million na ating gagamitin sa pagbili ng karagdagang heavy equipment para sa ating mga distrito.

Taon-taon, tayo po ay binibigyan sa ilalim ng General Appropriations Act ng P1 bilyon para sa infrastructure projects. Dati-rati ito ay kadalasang ginagamit para lamang sa re-gravelling of farm to market roads. Ngunit sa ating administrasyon, ito po ay ating ipinagbawal, bilang tugon na rin sa polisiya ng ating Pangulong Noynoy Aquino na pagbabawal sa ganitong proyekto.

Maraming salamat sa ating Regional Legislative Assembly, na isinantabi ang kanilang interest at ipinasa nila ang reformed Public Works Act, kung saan ang 1 bilyon pondong ito ay gagamitin sa mga priority infrastructure projects na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan tulad ng national roads and bridges; strategic infrastructure in support to tourism, agriculture, peace and security, public health and sanitation;  other infrastructure for conflict and calamity affected arreas.

At isa pang magandang balita, dahil sa ating pagsusumikap, at muli, dahil sa panunumbalik ng tiwala ng Pambansang Pamahalaan sa ARMM, tayo ay nabigyan ng karagdagang 510 Million pesos o 50% kaya’t para sa taong 2013, tayo ay may P1.5 Billion  sa pondong pang imprastraktura.

On Peace and Security

Pumunta naman po tayo sa usaping seguridad at pangkapayapaan.

Isang larawan ng magulo at puno ng karahasan ang umuukit sa pangalang Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayaw po nating manatili at magpatuloy ang ganitong uri ng pananaw ng ating mga kababayan ukol sa ARMM. 

May dalawang mukha ang kaguluhan sa Muslim Mindanao. Una, ang hidwaan sa pagitan ng Pambansang Pamahalaan at ang mga revolutionary groups, at pangalawa, ang hidwaan sa pagitan ng mga pamilya o Rido, na ayon sa pag aaral ng Asia Foundation ay sanhi ng halos singkwenta prosyento ng kaguluhan dito sa atin.

Ang unang mukha ng kaguluhan ay nakasalalay sa usaping pang kapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF. Ito po ngayon ay may nakikitang maliwanag na pag-asa, at tayo ay lubos na nagpapasalamat at patuloy na sumusuporta, sa nilagdaang Framework Agreement on the Bangsamoro.

Ang pagharap sa usaping Rido, ay sinimulan natin mismo sa sarili nating  bakuran - noong Hunyo po, ay nagkaroon tayo ng peace covenant o rekonsilyasyon sa pagitan ng aking pamilya at ng mga Akbar na nagtapos ng ilang taong hidwaan na nagdulot ng di magandang resulta sa magkabilang pamilya pati na sa ordinaryong mamamayan ng Basilan.
Kasabay rin nito ang pagtulong na maresolba ang hidwaan at pagbibigay daan sa pagkakasundo ng mga nagkakahidwaang pamilya sa loob ng rehiyon na kumikitil ng mga inosenteng sibilyan, sa pangunguna ng Regional Reconciliation and Unification Commission.
Hindi rin po natin iniiwan ang adbokasiya laban sa paglansag ng mga private armies sa loob ng ARMM. Inaamin natin, na isa itong malaking suliraning nagbunga na rin ng sangkatutak na perwisyo sa ating lipunan, kabilang na ang isang masaker na kumitil sa lampas limamput katao. Ngunit, ito ay isa sa pinakamalaking hamon, hindi lamang para sa akin bilang Gobernador, kundi para sa ating lahat. Hindi po nating kaya mag-isa ang laban sa karasahan, kailangan ko kayo, magtulungan tayong isulong ang isang pamayanan malaya sa kaguluhan, malaya sa pang-aabuso, at malaya sa karahasan.

Sa puntong ito, ay nais kong ipaalala ang kahalagahan ng tuwid na pamamahala di lamang sa regional government kundi maging sa ating mga local government units. Ang isang matatag, mahusay at epektibong paglilingkod at pagbibigay serbisyo sa bayan ang siyang susi sa mapayapa at masaganang pamayanan.

Ipinagmamalaki ko pong ipaalam sa inyo, sa pangunguna ng DILG-ARMM, sa ilalim ng dati nitong Regional Secretary Haroun Alrashid Lucman, Jr. at sa suporta ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo,  iba-ibang programa tungo sa pagpapatibay ng mga institusyong pang reporma ang  nailunsad sa ating mga local government units, hindi lamang sa mga probinsiya at munisipyo, kundi maging sa mga barangay.

355 barangays po ang sumailalim sa Development Planning and Community Investment Programming na naglalayung ma-capacitate ang ating mga barangay officials sa rehiyon.
Bukas, lubos at may pananagutan na pamamahala, ang ilan sa mga hinahanap nating katangian ng isang matuwid at epektibong pamamahala o ang tinatawag nilang seal of good housekeeping, at sila po ay nahanap natin.

Mga kababayan, kilalanin po natin ang mga recipient ng Seal of good Housekeeping Award ng ating rehiyon: ang mga munisipyo ng Wao at Ganasi ng Lanao del Sur ... munisipyo ng Parang, Upi, Datu Odin Sinsuat  at Sultan Mastura ng lalawigan ng Maguindanao... at munisipyo ng Siasi sa Sulu.

Kasabay ng good housekeeping na ito, ay ang paggawad din sa kanila ng Governance Reform Fund na nagkaka-halaga ng P1M.

Hindi rin po nating isinasantabi ang usapin ng karapatang pantao. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang sa loob ng ating pamamahala, nagkaroon ng tanggapan ang Commission on Human Rights sa ARMM. Salamat din sa RLA, sa pangunguna ni Committee Chair Hon. Zia Adiong.

Malaki rin po ang pagpapahalaga natin sa kapakanan ng ating mga kababaihan. Bago lamang inilunsad natin sa pangunguna ng Regional Commission on Bangsamoro Women ang Violence Against Women o VAW Hotlines upang himukin ang ating mga kababaihan sa rehiyon na biktima ng ibat-ibang klase ng karahasan at pagmamalupit na magsumbong sa pamamagitan ng text o tawag sa naturang hotlines.

Binuo rin natin ang ARMM Council Against Trafficking o ACAT at binigyan natin ng pondong P2 milyon upang maumpisahan ang pagwawakas sa laganap na pangangalakal ng tao sa ating Rehiyon.

CHANGE: Pumasok tayo sa gitna ng hampas ng Sendong, kung saan ang ating Rehiyon ang sinisi sa trahedyang nangyari. Kaya isa sa unang Executive Order na inilabas natin ay ang pagbabawal ng pamumutol ng kahoy sa buong Rehiyon. Nananatili at naging matagumpay ang polisiyang ito. Maraming salamat sa suporta ng ating kapulisan at military.

Mataas na rin po ang kahandaan ng ating mga mamamayan sa kalamidad at sakuna, bunsod ito ng pagkakalagda ng Regional Disaster Risk Reduction Management  Plan kamakailan at sa puspusang kampanya ng RDRRMC ukol sa disaster awareness.  
Patunay rito ang pagkakaroon ng zero casualty sa Lanao del Sur at Maguindanao na tinamaan ng Bagyong Pablo nitong buwan lamang.

Ngayon naman po, sa pagpasok ng taong 2013, nakalatag na ang ating mga plano at programa, mula sa Regional Government hanggang sa barangay level.

Kasama sa ating mga prayoridad sa taong 2013 ay ang ating Bayanihan ng Mamamayan tungo sa Kapayapaan at Kasaganaan ng ARMM, isang programa ng damayan at pagkakaisa ng mga initiatiba at programa ng mga ahensya, local government units, donor communities, at civil society organizations.

Isa rin sa ating prayoridad ang Bottom-Up Budgeting, kung saan ang mga pag lalaanan ng pondo ay manggagaling mismo sa mga mamamayan at local government units, upang matiyak na ito ay batay sa pangangailangan ng mga tao. Kaagapay nito ang pagpapalakas sa ating revenue generation at investment promotions.
Ang mga programang ating nailunsad at ilulunsad pa lamang ay hindi po magiging posible o matagumpay kung walang kaakibat na mga polisiya mula sa ating Regional Legislative Assembly.

Kaya’t sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito na magpasalamat sa ating mga kasama sa 7th Regional Legislative Assembly sa pagpasa ng mga sumusunod na mahahalagang panukala: Muslim Mindanao Autonomy Act 231 o ang Tax Oversight Committee, Muslim Mindanao Autonomy Act 299 o ang Public Works Act, Muslim Mindanao Autonomy Act 288 or ang Commission on Human Rights Act, Muslim Mindanao Autonomy 290 o ang Appropriations Act, at ito, ang Muslim Mindanao Autonomy Act 292 o ang Reproductive Health Care Act na naunahan pa ang kongreso sa pagpasa.

Sa mga kagagalang-galang at nagpipitagang miyembro ng RLA, maraming, maraming salamat, at tunay namin kayong ipinagmamalaki.

Ngunit hindi pa po tapos ang ating trabaho. Muli,  ako ay humihingi ng suporta sa ating mga mambabatas, na magpasa ng mga batas upang magbigay daan sa mga programang magpapatuloy sa mga naumpisahan na nating reporma.

Sa larangan ng Edukasyon, aking hinihiling ang pag amyenda sa ating Basic Education Act of 2010 upang maisabatas ang mga realidad na ating natutunan base sa ating mga panibagong pag aaral at eksperiensya.

Ipinakikiusap ko rin na ipasa ang 2013 Public Works Act sa mas madaling panahon upang maumpisahan na ang mga proyektong maglilikha hindi lamang ng mga sementadong daan kundi mga daan tungo sa matatag na ekonomiya ng ARMM.

Matapos nating linisin ang bakuran ng ating Rehiyonal na pamahalaan, at patatagin ang mga institusyong pang serbisyo sa ating mga kababayan, tayo po ngayon ay tumutungo na sa pagpapatatag ng ating ekonomiya. Ekonomiyang pakikinabangan hindi ng iilan lamang, kundi ng lahat ng mamamayan. Ekonomiyang hindi para sa pagyaman ng iilan, kundi upang maiahon ang lahat ng lugmok na kahirapan.

Kaya’t inaasahan ko rin, ang pagpasa ng ARMM Omnibus Investment Act, Amendment of Revenue Code, ARMM Regional Development Corporation Act, at Shari’ah Compliant Micro-Enterprise Fund Act. 

Matapos po ang matagumpay na Investment Forum nitong nakaraang buwan na dinaluhan ng ibat-ibang investors mula sa Malaysia, isa naman pong Microfinancing Summit ang nakatakda nating isagawa dito sa unang buwan ng 2013 na dadaluhan din ng mga mamumuhunan mula sa bansang Malaysia. Isang hudyat po ito na kinikilala na ang potensyal ng ARMM sa usaping pandaigdigang ekonomiya, at muli, isang hudyat ng pagtitiwala.

Mga kababayan, inuulit ko po, ang inyong lingkod ay kaisa ninyo sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating Rehiyon at sa buong Mindanao.

Taos puso nating sinusuportahan ang paglagda ng Framework Agreement on Bangsamoro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng gobyerno ng Pilipinas.
Naniniwala po tayo na ang kasunduang ito ang unang hakbang upang tuluyan ng mawakasan ang mahigit apat na dekadang hidwaan sa Mindanao at opresyon laban sa mga Bangsamoro at makamit na ang tila napaka-ilap na kapayapaan at kaunlaran sa bahaging ito ng bansa.

Handa po akong mag sakripisyo alang alang sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao at sa ating Rehiyon. Nakikiusap din po ako, sa inyo na sana kayoy handa ring magsakripisyo. Ako, kayo, tayong lahat ay dapat maging handa ring magsakripisyo alang alang sa ating mga kababayan.

Ito po ang aking unang SORA, at ikinagagalak kong ibinigay ito sa panahong nasa makasaysayang yugto ang Bangsamoro. Ang pagpapatuloy ng ating naumpisahang reporma sa ARMM, at ang hinaharap nating bukas ng Bangsamoro.

Nagumpisa po tayong nanungkulan na ang tanging dala ay mahigpit na pananalig sa ALLAH , sa kakayanan ng Bangsamoro, at lakas ng loob. Hindi ako nabigo, at ang panalangin ko ay sana hindi ko kayo nabigo. 

Mga kababayan, napatunayan natin na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng hangarin at pagtutulungan, kaya nating harapin ang anumang hamon, kaya nating lutasin anumang suliranin. Kaya sa bawat tagumpay na ating nakamit sa loob ng isang taon, pasalamatan po natin at palakpakan ang bawat isa sa atin.

Tagumpay na para sa atin, ang ngiti ng bawat bata na nakakapasok na sa maayos na paaralan. Tagumpay na sa atin ang tuwa ng isang matandang ngayon lang nakakita ng doktor. Tagumpay na sa atin ang galak ng isang guro na tumatanggap ng tamang sahod sa tamang panahon, tamang benepisyo kung mag reretiro. Tagumpay na sa atin ang kasiyahan ng isang pamilyang makakauwi na sa kanilang tahanan ng wala nang pangamba ng gyera. Tagumpay na rin po sa atin na unti-unti na nating binibigyan ng kabuhayan ang ating mga kababayan.

Ang mga tagumpay na ito ang ating inspirasyon upang bigyang buhay at katuturan ang pangarap ng ating mga ninuno.

Mga kababayan, sama-sama nating ituloy ang ating naumpisahang reporma. Alalahanin natin na kung walang mulat na mamamayan na nagsusulong ng reporma, walang saysay kahit ano pa mang ganda at  porma ng pamamahalaang maitatatag.   
  
Handa na tayong harapin ang bukas, ngayon.

Maraming Salamat po at Magandang hapon sa lahat.

SHARIFF KABUNSUAN FESTIVAL SCHEDULE 2012


14TH SHARIFF KABUNSUAN FESTIVAL
December 15 – 19, 2012
Cotabato City

And 2nd Cotabato City Crabfest


SCHEDULE OF ACTIVITIES:  CONSOLIDATED SCHEDULE

Dec  15       
Grand Parade/Opening Ceremonies                  7:OO A.M.    City Plaza
STREET DANCING AND CULTURAL PARADE     7:00 A.M.     ARMM COMPD.

Crab Exhibit                               9:00 A.M.     South Seas Complex
       
 16     Traditional Games and Sports      9:00 A.M.     People’s Palace
                   (a) Kagkuya  (b) Kasipa sa Manggis

RELIGIOUS ACTIVITIES              8:00 A.M.     DEP ED/MADARIS
MORO SONGS COMPETITION      3:00 A.M.     Bureau on Cultural Heritage
          Crab Forum                                         9:00 A.M.     South Seas Complex
          Crab Exhibit                                        9:00 A.M.     South Seas CompleX
 17     Traditional Games and Sports (cont.)
(c) Bagkuya sa Awang                           9:00 A.M.     Rio Grande de Mindanao
         
Culinary Competition                            9:00 A.M.     DOT-ARMM
Crab Race                                           3:00 P.M.     City Plaza
Crab Culinary Arts Competition             9:00 A.M.     People’s Palace
Crab Exhibit (cont.)                                                 South Seas Complex         
         
SHARIFF KABUNSUAN (The Musicale)              3:00 p.m.     SKCC -DOT-ARMM
                                                                   7:00 p.m.     SKCC – DOT ARMM

18      KUYOG STREET DANCING COMPETITION (Open)       7:00 a.m.     City Plaza to SHOWCASE COMPETITION                                               CCSPC GROUNDS
         
Crab Exhibit                                                            South Seas Complex
KULTURA AT KASUOTAN                      6:00 P.M.     SKCC – ARMM CMPD.

  19    GRAND CIVIC/MILITARY PARADE                   7:00 A.M.     CCSPC GROUNDS
GINAKIT FLUVIAL PARADE                             10:00 A.M.   City Wharf
Crab Exhibit                                                            South Seas Complex
GRAND KANDULI                                 3:00 P.M.     PEOPLE’S PALACE
PAGANA MAGUINDANAO AND Kulintang          6:00 P.M.     SKCC/DOT
           Exhibition and Dance
Cultural Peace Concerts and Fireworks             8:00 P.M.     RBMO/QRT


DECEMBER 2012 LIST OF FESTIVALS

CALENDAR OF MAJOR EVENTS & FESTIVALS
REGION XII
DECEMBER  2012

December  19, Shariff Kabunsuan Festival
@ Cotabato City
“A grandest festival commemorating the arrival of Shariff Kabunsuan in Mindanao to bring Islam civilization. Activities include fluvial parade,  banca race, cultural street parade contest, ethnic sports and reenactment of the arrival of Shariff Kabunsuan.”
For more informaion:
Benjamin N. Abarca
Supervising Tourism Operations Officer
Office of the Mayor
People’s Palace, Malagapas
Cotabato City
064-4217803


December  1 – January 2, 2013, Festival of Lights
@Kidapawan City
“A light-a-tree contest that brighten pine trees with hundreds of Christmas lights”
For more information:
Hon. Rodolfo Y. Gantuangco
City Mayor
Kidapawan City
064-2783361/288160

December 1-31, Pasko sa GenSan
@ GSC Freedom Park, General Santos City
“Dubbed as the celebration of Life, the festivities provide the people a venue for respite from their usual chores that seems to energize, and prepare them to challenges of the coming year through multifarious activities that range from caroling, singing contest, lantern making competitions, bazaar, fireworks display and the like.  The highlight of the activities is the building of a Christmas tree out of local materials and embodies the character of the city and the people.  During this season that the sity burst in majestically radiating colors of lights that seems to renew the spirits of the old and the young alike.”
For more Information:
Hon. Darlene Magnolia Antonino-Custodio
City Mayor
General Santos City
083-5544212
GSC Arts and Culture Council
c/o CEMCDO
083-5538448


December 3rd week, Inugyunay Festival
@ City Plaza, Tacurong City
“A month long festivities which is highlighted by the light-a-tree and fireworks display.”
For more information:
Hon. Lina O. Montilla
City Mayor
Tacurong City
064-3842302

Friday, November 30, 2012

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS COTABATO RE-LAUNCHING OF EFLC

Almost every day of my life, where ever I go Bangko Sentral ng Pilipinas – Cotabato City Branch is just one of the establishments I need to pass through. Wondering what’s inside that building, aside from money, banks of all banks, and fully secured place – armed guards and cctv cameras all over the place, what and how it is inside???

Thanks to Ethel for inviting me and Cotabato City Bloggers to witness and be part of the Re-launching of the Economic and Financial Learning Center and the Opening of the BSP – Economic and Financial Learning Program.

Now, my question been answered.

Below are the photos of the said event.
Invocation sang by the BSP Cotabato staff
Welcome remarks given by BSP Assistant Governor Ma. Cyd N. Tuano - Amador
Keynote Address by BSP Monetary Board Member Felipe M. Medalla

Unveiling of EFLC and Ribbon Cutting


Blessing of the EFLC
Exhibit of past and present Philippine currencies


Throwing of Prosperity coins, and i got most of it he he he. . .