Tuesday, January 15, 2013

GUN BAN AT POLICE CHECKPOINTS

MGA DAPAT TANDAAN SA POLICE CHECKPOINTS

1. Maliwanag dapat ang checkpoint at naka-uniporme ang nagbabantay na personnel.

2. Kapag pinalapit sa checkpoint, bagalan ang takbo ng sasakyan, patayin ang headlights at buksan ang cabin lights. Huwag lumabas ng sasakyan. 

3. I-lock ang mga pinto. Visual search lang ang pwedeng gawin ng mga pulis. 

4. Huwag pumayag sa body search. 

5. Hindi ka obligadong buksan ang iyong glove compartment, trunk o bag.

6. Kung magtatanong ng routine questions ang mga pulis, sumagot nang magalang. 

7. Panindigan ang iyong mga karapatan at huwag mag-panic. 

8. Tiyaking madali mong makukuha ang iyong driver's license at mga papeles sa car registration.

9. Laging ihanda ang cellphone.

10. I-report agad kung nilabag ang iyong mga karapatan.

Source: PNP-PIO

No comments: