In the
market of ideas, no one has the monopoly, Even the meek and the lowly has at
least a story to tell.
Sa pang
araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kapwa, naroon lagi ang palitan ng mga
ideya, tunggalian ng isip, at brasuhan ng paniniwala. Ito ang tunay na
nangyayari, mula sa tahanan hanggang sa kalye.

At tulad sa
merkado, kung hindi ka maingat sa pagpili sa bunton ng kamatis, may nahahalo
itong bulok at walang kapakinabangan. Sa konseho man ay may bulok din. Kapag
nagkamali ka ng pili, darami ang miyembro ng “committee on silence”

Ikalawa, sa
panahon ng eleksiyon, bawat boto ay mahalamilyon-milyga. Mahalaga dahil ito ay
nagkakahalaga ng P5,000 – P10,000. Kaya kapag naluklok ang isang nanalo,
sasabihin nito na ang bayan ay bayad na at ngayon naman ay ang pagbawi ng milyon-milyong nagasta.

Huwag na
tayo lalayo, dito man sa Autonomous region ay mayroon ding kahalintulad na
pangyayari. Sabi nga ng mga nakaaalam, may malala dito sa atin.
Manood ka sa
mga sessions, makikita mo ang maraming mukha ng kabobohan. May parang batang
naglalaro ng chair, may nagmamake-up, may kunwari ay nakikinig at nagbabasa,
subalit kapag tumayo na at nagsalita,
Ingles kabayong masakit sa tenga ang maririnig mo. Pito – pitong ingles at bali pa ang ika-pito.

Ipagbili o
ibenta mo ang iyong mga brilliant ideas. Ipaglaban mo ang mga hinaing ng iyong
constituency. Hilutin mo ang iyong dila at iparinig mo ang laman ng iyong
isipan. Dito ka binabayaran, dito ka inaasahan.

No comments:
Post a Comment