Sunday, June 24, 2012

SENATOR CHIZ ESCUDERO GRACED 2012 MUTYA NG COTABATO


A transcript of speech of Senator Chiz Escudero during the coronation night of the 2012 Mutya ng Cotabato, as Guest speaker of the night. Held in Cotabato Chinese Institute last June 18, 2012.

Transcript of Speech
Sa kinagalang-galang  ang opisyal ng siyudad ng Cotabato sa pangunguna ng inyong ginagalang ang mayor, Mayor Jojo, sa ating ginagalang-galang ang board of judges sa pangunguna ni Col. Alex Brutan, sir, sa ating mga kababayan mula sa siyudad ng Cotabato,  taos-pusong pagbati.

Isa pong maganda ang pinagpalang gabi sa inyong lahat. Nakalimutan ko pala, sa lahat ng ating mga naggagandahang kandidata para sa Mutya ng Cotabato, magandang gabi rin sa inyong lahat.

Senator Chiz Escudero with his gorgeous smile
Isang karangalan para sa akin ang tumayo sa harap nyo at maging bahagi ng pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo o araw ng Cotabato. Sa makasaysayang araw na ito sana pansamantala nating makalimutan maski na papaano ang mga problema at paghamon sa buhay na kinakaharap natin, sana sakali ganyang at pakunswelong nakikita natin ngayong gabi, maski na paaano makalimutan din natin ang ating hidwaan, away at hindi pagkakaintindihan. Dalangin ko po na sana ay maging matagumpay, sana maging makabuluhan at maging makahulugan ang ating pagdiriwang ng araw na ito, hindi lamang para sa akin pero higit sa lahat para sa ating lahat.

Sa muli at hindi ko po ito papahabain, isang malaking karangalan para sa akin na tumayo sa harap ninyo, makausap at makapiling kayo sa gabing ito at baka hindi namin abutan, advance congratulations na lamang sa kung sino man ang mapipili ng ating mga mahistrado na siyang magtataglay ng koronang Mutya ng Cotabato para sa taong 2012.

Hon. Japal "Jojo" J. Guiani, Jr. and Senator Chiz Escudero
Sa muli po, pagbati na lamang at hanggang sa muli po nating pagkikita sa mga darating na panahon na sana hindi sa malayong hinaharap. Magandang gabi po sa inyong lahat, maraming salamat at taos-pusong pagbati. Thank you and good evening. 

No comments: