Sunday, June 24, 2012

SENATOR CHIZ ESCUDERO - TRANSCRIPT

OFFICE OF SENATOR CHIZ ESCUDERO
TRANSCRIPT
Date: June 14, 2012


FIRST PART

It is our pleasure to have with us today no other than Sen. Chiz Escudero. As JBC member, may we know the status of the selection process for the next chief justice

Sa June 18 ang last day para mag-submit ng application, nomination, at pagtanggap ng nomination at consideration ng Judicial and Bar Council (JBC). Mula doon namin sisimulan ang proseso ng pagsasala ng mga aplikante at nominee at ipa-publish namin ang mga pangalang ito para kumuha rin ng tulong sa publiko na magbigay ng impormasyon o endorsement na pabor man o kontra sa mga pangalang nagnanais na amging Chief Justice ng bansa. Sa panahong din iyan, matapos ang Lunes, gagawin namin ang schedule ng interviews, ang psychological test, ang pag-submit nila ng iba’t ibang dokumento na ni-require ng JBC para mabuo ang litrato ng mga aplikante at nominado na nais naming makita.
photo from: newsinfo.inquirer.net

There is a proposal to make it televised.

Okay lang sa akin iyon kung ako ang tatanungin dahil dito naman sa Senado lahat ng ginagawa namin dito ay televised at nasa likod namin ang ilaw ng camera. Sanay kami doon at wala akong problema doon.

When do you expect na makapag-submit ng shortlist kay President Noy?

Our tentative schedule is July 15 so that the President will have about one and a half months to study the list, read through it, have the names there investigated, talk to them, and find out who is the best person for the job. We are required by law to submit not less than three names to the President.

This early, parang nag-expres si BIR Commissioner Kim Henares. She said that she has the edge over other nominees.

photo from: newsinfo.inquirer.net
Well, libreng mangarap, libreng magkaroon ng paniniwala ang bawat isa. Subalit, ayokong i-prejudge pabor man o kontra ang aking magiging boto sa pagpili ng mga nominees na isa-submit namin.

Palace said the next CJ need not be old. So hindi factor ang age.

You know I would be very careful whenever it says Palace or the President. Minsan kasi hindi tumutugma iyon.

Ibig sabihin hindi iyon ang stand ni Pnoy, sir?

I don’t know. Minsan lang talagang hindi tumutugma iyon kaya I won’t take it hook, line and sinker. And besides, the President has his alter egos seated or sitting in the JBC. Assuming she will decline the nomination on the person of Sec. De Lima, I guess it will be best expressed through her if she will resume her position in the JBC after she makes a decision on whether or not to accept any nomination.

Right now ilan na ho ang nasa-submit ninyo?

Mga July 15 magbibigay na kami ng listahan.

Anong time frame?

Ninety days from the time the office was vacated.

Right now ilan na ang nasa-submit na nominees?

My list has 14 pero ongoing pa ang pagtanggap ng JBC ng mga pangalan at ipa-publish naman namin ang mga pangalan as soon as makumpleto at matapos ang period to submit applications and nominations.

Can you name samples.

Lumabas na rin sa dyaryo.

For the record.

Binura ko na yata.

Syempre nandoon na automatic si Justice Antonio Carpio, BIR Commissioner Kim Henares.

photo from: newsinfo.inquirer.net 
We have not received confirmation on the consideration of the five senior Justices namely Justices Velasco, Carpio, De Castro, Brion, and Peralta. Hindi ko alam kung mat natanggap na kaming confirmation ng pagtanggap nila ng consideration ng JBC para mabilang bilang bahagi ng mga nominado.

Mayroon bang mga ibang mga senators na..

Well, clearly the Constitution requires that the applicants and the nominees for Chief Justice must be a member of the Philippine Bar. If you are not a member of the Philippine Bar, you are automatically disqualified.
Si Cong. Teddy Boy Locsin isa-submit daw yata ang name today bilang nominee.

Ang JBC ay passive body. Para kaming saleslady na nasa likod ng counter at naghihintay ng mga pangalan na isa-submit sa amin hindi kami pwedeng mamili sa puntong ito kung sino ang pwede at hindi pwede. Hindi kami pwedeng magdesisyon sa puntong ito na maglagay ng pangalan kung hindi naman nag-aaplay o hindi naman nano-nominate. Kailangan lang namin na hintayin na dumulog dila sa amin at mag-submit ng panagalan ng kanilang nominee o ng sarili nilang pangalan mismo bilang aplikante.

Wala pang desisyon kung televised o hindi ang deliberations?

Wala pa. Tinalakay initially. May reservations ang ilang mga myembro pero gaya ng nasabi ko, personally, wala akong problema doon at pabor ako doon dahil iyon naman ang ginagawa namin dito sa Senado araw-araw sa ginagawa naming trabaho dito.

May concerns na pag televised, ang mga critics ay kaliwa at kanan. Hindi makakapg-decide nang maayos, madidistract ang mag member ng JBC.

Bahagi na iyon. Nainiwala naman ako sa kasabihan na anumang tama ay hindi dapat itago sa dilim. Madalas ang ginagawang masama ay iyon ang itinatago sa dilim. Kung tama naman at wala kang ginagawang mali, wala kang dapat katakutan.

Anong masasabi nating bago sa nomination ng JBC ngayon?

Una, mas malawak ang kaalaman at interes ng media at taong bayan dito sa selection process na ito. Sana hindi humupa iyon hanggang sa pag-appoint mismo ni Pangulong Aquino ng kapalit ni Chief Justice Corona.

Pangalawa, may ilang innovative at bagong requirements bugso na rin ng impeachment proceeding at complaint na inimpose ng JBC. Kabilang na dito ang pag-submit ng ITR sa mga nagdaang taon, kung may mga matagal nang naninilbihan sa gobyernong na-nominate, at pag-require na mag-submit ng waiver pabor sa JBC para makumpara namin ang bank accounts niya kung tumutugma sa SALN niya. Ang eksaktong rason kung bakit natanggal si Chief Justice Corona, hindi naman siguro dapat nandoon din sa ino-nominate namin para pumalit sa kanya.

Dati nabanggit ninyo ang pagte-televise..

May rule sa JBC pero hindi pa namin napagbobotohan kasi. May isang maliit na rule sa JBC na kinopya lamang ang mga nagdaang rule na nagsasabing bawal ang live coverage. Under the existing rule, baka pwedeng i-cover pero hindi lang live. Ibig sabihin nandoon kayong lahat, okay lang manood kayo, bukas sa publiko. Ang live coverage provision lang, hindi ko alam kung paano namin matatalakay iyon sa darating na Lunes. Pero kung talakayin man iyon at pabotohin kami, papabor ako na bukasan iyon. Wala namang pinagkaiba iyon sa ibang trabaho na ginagawa ko dito sa Senado.
So dapat munang i-amend ang rules bago pwedeng i-televise.

May isang myembro na nagsabi niyon. In fact, noong lumabas iyon ay hindi ko mainitindihan kung bakit ako ang tinatamaan. Pabor naman ako sa pagsasapubliko niyan. Sinabi ko lang naman kung ano ang nangyari sa deliberation na may nagsabing may rule, na may nagsabing bago natin magawa iyon kailangang mag-publish na hindi naman nangangahulugan na iyan ang posisyon na pinanghhawakan ko.

Iyon parang in favor kay Commisioner Kim Henares, parang medyo may nakakapansin na mga bata ni Purisima is slowly taking over... if matutuloy rin si Bunoan sa Department of Energy Secretary.

Hindi ko alam. Ang tingin ko naman sa kanilang lahat ay bata ng sambayanan at bata ni Pangulong Aquino. Walang karapatan siguro maski na sinong gabinete na angkinin na bata nila ang isang tao e hindi naman sila ang amo. Ang amo pa rin ay si Pangulong Aquino at nagsabi ang amo na ang boss niya ay tayo kaya tayo ang amo at hindi siya.

Factor ba ang age ng applicant? Kasi pag si Henares ang napili, she’ll be serving for around 20 years.

Naniniwala ako na hindi kapansanan ang pagiging bata. Ibinato sa akin iyan at ilang beses ginamit laban sa akin iyan sa nga nagdaang panahon. Hindi kakulangan ang kawalan ng karanasan. Ang factor siguro, tama ka, ang haba ng panahon ng paninilbihan kung bata ang mailalagay. Hindi ang kakayanan ha. Hindi ko tatawaran ang kakayanan dahil lamang sa edad ng sinumang aplikante.

Isang titimbangin siguro ng kada myembro ng JBC, gayundin ni Pangulong Aquino, ay ang haba ng panahong isisilbi kung bata ang ilalagay. Kaedad ko, 42, isipin mo kulang-kulang tatlong dekadang uupo iyon doon at 28 years bago mag-70 maliban na lamang kung mamamatay, magkakasakit, o mai-impeach. Dapat timbangin ng JBC at ni Pangulong Aquino kung gusto ba natin na ganoon katagal?  Are we going for stability and predictability of decisions and of the court? Or gusto ba natin na may bagong dugo na pumapasok doon, may bagong ideya, bagong kaalaman, bagong perspektiba kasabay ng pagbabago rin ng panahon. Those would be considerations up for the president and us.

Would that work against Henares or kay De Lima?

It could work for or against them. Again, if you are after stability and predictability in the decisions of the court that will last a long time, then perhaps you might want to go for that. If you’re after a new perspective every once in a while and not to tie the hands of the next president and be bound by the choice of this president for the next four or five presidents, that would be subject to the exercise of the President’s wisdom and in a way the discretion of the JBC as well. We will weigh and consider that.


Pero being a member of the JBC.

It’s not a total disadvantage. Again, it has its advantages and disadvantages which we will have to consider wholistically.

Requirement ba na dapat 15 years na nagpa-practice ka ng law?

Oo. Pero ang definition ng Korte Suprema sa pag-practice ng law ay marami nang ibig sabihin. Pwedeng nag-a-appear ka sa korte, nagtatrabaho ka sa law firm, pati nga nagtuturo pwede rin.

Sa kaso ni Kim Henares

I think she is engaged in the practice of law in various capacities: working for  a private corporation, as a lawyer, working for an NGO, and working in the BIR as a a lawyer.

Hindi ba negative daw na nagtestify sila during the impeachment trial and yet nag-express ng interest  for the position.

Personal niyang desisyon iyan. It’s a matter of personal choice and taste. On my part and in the part of Sen. Drilon for example, when our names were mentioned, agad-agad kaming tumanggi at nagsabi na ayaw at hindi pwede dahil may kinalaman kami directly sa pagpapatanggal sa nagdaang Chief Justice. Hindi naman maganda at masarap sa panlasa para sa amin na tumanggap at magsabing interesado kami matapos lumahok sa proseso. Sa panig nila, it’s up for them to decide. If they accept the nominations, then apparently okay lang sa kanila. I can only speak for myself na hindi okay sa akin iyon.

There is a report that Sec. Rene Almendras will replace PMS Chief Julia Abad and then former Finance Sec. Bunoan to be named as new Energy Secretary. Good decision ba iyon?

I’ll cross the bridge when I get there when I meet them at the Commission on Appointment especially the new Energy Secretary if at all. Hindi naman kasi dumadaan sa Commission on Appointment ang PMS. Ang dumadaan lang sa amin ay mga kalihim na ina-appoint sa line departments. I’ll cross the bridge when I get there. I do not know personally or I do not redcall having dealings with the former undersecretary if he will be a good choice. I do not know him that well.

Pero may other cabinet position ba na sa tingin ninyo ay dapat rin na maging part ng reshuffle?

Wala akong nakikita. Bahagi iyan ng opisyal na pamilya ni Pangulong Aquino. Desisyon niya kung sino ang nais niyang maging bahagi ng kanyang pamilya. Ang tanging papel namin sa Senado ay i-confirm ang sinumang napupusuan niya.


Si Ochoa as Chief Justice

photo from: pinoyrrs.com
I don’t think he is nominated and I don’t think he has applied.  

Any comment sa decision ng Supreme Court na 11-3 ang voting at upheld ang Php 1.3 billion contract ng Comelec sa Smartmatic.

Isa sa naging pinakamalinis na halalan ang automated elections kaugnay sa nagdaang eleksyon. Ang importante lamang sa akin, paboran man o hindi ng Korte Suprema, ilabas na nila ang kanilang decision na ginawa naman nila para maka-adjust ang Comelec kunsaka-sakaling talo sila sa kaso at nang makapag-rebid at sumunod sa iniuutos ng Korte Suprema para umabot pa na magkaroon ng automated elections sa May 2013. Ngayong lumabas na at lalo pa ay kinatigan ng Korte Suprema ang Comelec, sana wala nang maging problema para ang tungo natin papunta sa improvised at mas pinagandang automated system sa 2013 elections. We have to admit na may pagkukulang at shortcomings ang nagdaang sistema.

Ang concern ng mga petitioner ay nagkaroon ng mga glitches noong 2010 so baka maulit din daw ito.

Again, learning from the past I hope we learn from our mistakes na hindi mangyari pa ang mga nangyari noong nagdaang eleksyon. Siguro naman matapos ang unang beses na nagawa natin ay mas marunon na at mas magaling na tayo ngayon.

11-3 ang voting. Malabo na’ng ma-reverse kunsakaling may appeal.

Malabo na because it’s not a divided court. Ang depinisyon ng divided court ay sa 15, 8-7 ang boto. Ibig sabihin, isa lang ang bumaligtad. Posibleng bumaligtad rin ang desisyon. Sa layo ng botohang ito hindi divided court ito at malamang sa malamang statistically at least ay hindi ito mare-reverse.

Ang decision na ito under OIC o acting Chief Justice Carpio ay masasabing independent pa rin ang ating Korte Suprema.

Oo, kasi kung maaalala ninyo kaugnay ng kontrata may ilang mga opisyal sa administrasyon rin ni Pangulong Aquino, bearing in mind that Comelec is an independent constitutional commission, may ilang mga personalidad sa administrasyon rin ni Pangulong Aquino na kumwestyon sa kontratang pinasukan ng Comelec sa Smartmatic so hindi masasabi na ang pagpabor sa Comelec ay pagpabor sa administrasyon o sinumang partido.

Ano yung masasabi nyo sa desisyon ng UNA na isama si Migz Zubiri despite Sen. Koko Pimentel’s opposition?

Desisyon nila yon, desisyon ng UNA yan, wala ako sa posisyon ara kuwestiyunin o magsalita kaugnay noon, masyadong malapit ang relasyon officially ni Sen. Koko Pimentel sa PDP-Laban at sa UNA para panghimasukan ng sinuman na ni hindi nahagi ng PDP-Laban o ng UNA. Siguro sapat na rin naman ang pag-uusap at palitan ng pananaw na nangyari sa dalawa. Nakakalungkot lang na sana maging epekto nito madagdagan ang kinatawan at representasyon ng Mindanao at hindi sila maghilawan pababa.

You’re not included sa intial list ng senatorial…

I’m not part of the governing board of UNA, I am not part of the decision-making process either of UNA. I will abide and respect and welcome, of course, any help or support either UNA or any other party may extend in so far as my candidacy is concerned.

Pero my offer from UNA?

May informal na usapan at ayaw kong pangunahan.

Walang problema sa inyoo kung kasama nyo si Migz Zubiri, Mitos Magsaysay…

Usually naman sa pagtakbo ko ng mga nagdaang panahon din I usually more often than not go out on my own, so hindi magiging kasintinding isyu yon para sa akin.

Sa doon sa initial list wala kang problema?

Hindi para sa akin magkaroon ng problema kanino pa man, hindi pa ako bahagi ng listahang yon, ang kapal naman ng mukha ko kung may problema ako ni wala pa ako sa listahang yon, hindi yata tama yon.

Saan kayo mas incline?

Independent ako ngayon eh, kung may inclination ako eh di sinalihan ko na sana yung partidong yon. Mas pipiliin kong maging at manatiling independent, subalit siyempre walang taong pwedeng tumayo bilang isang isla lamang, at anumang tulong, anuamng suporta, anumang pag-imbita sa koalisyon malaking pasasalamat at maluwag naming iwi-welcome at tatanggapin.

Pero open ka maging common candidate ng UNA at ng LP?

Pangarap siguro yon ng lahat ng tumatakbo, bakit hindi.

Para daw namamangka sa dalawang ilog ang ganoon?

Hindi puso ang pinag-uusapan dito, eleksyon at pulitika.

On turn-coatism bill

Magandang pakinggan yan pero nangyari na yon noon sa ating kasaysayan kung inyong maaalala, nagpasa rin noon ng isang PD si dating Pangulong Marcos noong siya ang nakaupo at ipinagbawal ang paglipat ng partido. This happened in our history already. Ang penalty paglumipat ka bago ang eleksyon hindi ka pwedeng tumakbo sa darating na halalan. Ito na lang ang isipin nyo, may advantage palagi maski na sinong nakaupong partido sa administrasyon kapagka ipinasa yang batas habang sila ang nakaupo, kasi alam nyo naman yung tendencies ng mga partido sa Pilipinas, kung sino ang partido ni power nandoon lahat. So pagnagkataon nakapasa yang batas na yan habang nandoon lahat eh hindi sila pwedeng tumakbo pag-umalis at tinanggal sila o hindi sila pinili. It will create an undue advantage to any party who is with the administration right now. Yung lang siguro yung downside at reservation ko doon. Siguro dapat kung ipapasa yung batas magbigay ng mala give-chance to run sa sinumang, bago mag-effective ang batas para makapagdesisyon at makapagpasya talaga yung tao saan ba siya mabibilang na partido. Hindi yung nagkataon lang ito kasi yung nakaupo, nagkataon lang ito kasi yung kakampi ko, kalaban ko yung nasa kabila. Let them feel the side what their party will be, not based on convenient, petty and temporary interest.

Pangalawa ang objective ng political party hindi naman para sa kandidato, inimbento ang political party para magkaroon ng consultative mechanism ang gobyerno. In theory lahat ng political party dapat nirerepresent bawat sector ng tao, para pagkinunsulta ng Pangulo, pagkinunsulta ng Kongreso o ng Senado, ang mga lider ng political party, in theory, parang nakonsulta na rin nila yung sambayanan. Ang problema hindi naman umuubra at umaandar yan nang ganyan sa ating bansa. Mas personality ang basis imbes na plataporma ng mga partido. Kung may nais tayong iwasto at i-correct sana yun muna, na ibase sa pagkakaiba ng prinsipyo, plataporma at paniniwala ang mga partido at hindi yung kung sino lamang yung namumuno ng partido sa particular na panahon.

Yung pagbibigay ng subsidy ng gobyerno sa mga political party

Sa dami ng pwedeng paggastusan at dapat bigyan ng subsidy ng pamahalaan siguro naman huli na dapat yung mga political parties at siguro naman huli na dapat yung pagbigay ng pera para gastusin sa eleksyon, mas marami akong pwewdng isiping isang milyon ibang bagay pa na pwedeng gastusan at bigyan ng subsidy ng gobyerno maliban yung mga kandidato.

You will oppose that bill?

In so far as the subsidy is concerned, pero yung political party reform act na nai-file noon na isa lamang yan sa bahagi may mga magagandang developments para ma-improve at magmature yung ating political parties don sa panukalang batas na yon.

Ano yung chance na ma-approve yan before 2013 elections?

Hindi ko alam at ang pangit naman siguro maaprubahan yan at isa pa yan sa mga bill na unahin namin sa dami ng pending na bill porke’t mag-eeleksyon lamang. Pangalawa kumplikado rin yon dahil alalahanin nyo hindi kami pwedeng magpasa ng batas na magbebenepisyo kami. So paano yung mga tatakbo at miyembro ng partido ngayon na magiging bahagi sa pagpasa ng bill na ito, medyo magulo yung magiging implementasyon nyan kung saka-sakali.

Palace is about to submit a P2-trillion proposed budget for 2013, sabi ng iba masyadong malaki at may relasyon sa 2013 elections.

Wala pa akong narinig na okasyon na naging masama o naging malustay ang Palasyo sa paggamit ng pondi ng gobyerno, kung may reklamo pa nga ay nagigign sobrang matipid at maingat sa paggastos. Kung may malaki mang proposed budget ibig sabihin lamang nito para sa akin base sa karanasan ay mas mataas na ceiling ng paggastos pero magpapatuloy pa rin ang maingat na pamamaraan ng pag-disburse ng pondo at hindi ito lulustayin ng ganoong-ganoon na lamang, mas malaki man yung ceiling na hinihiling ng Palasyo.

Yung bulk daw noon gagamitin sa CCT at infrastructure projects

Pabor ako doon sa infra projects, sa CCT side patuloy ang aking posisyon kaugnay sa bagay na yan na stands to improvement kung talagang gagawin natin yan, iimprove naman natin nang kaunti yung pagpapatupad ng sistema.  

Yung CCT may kinalaman sa eleksyon

Well identified na yung mga beneficiaries ng CCT, tumatanggap na sila ngayon at wala ng pagkakaiba yon kung saka-sakali. Pangalawa hindi tulad ng Philhealth cards ni Pangulong Arroyo noon, wala pa akong nakitang CCT o ATM cards na binibigay na may litrato, pangalan ng sinuamng kongresista, gobernador, senador o ni Pangulong Aquino para masabi at magamit kaugnay ng pulitika at halalan sa darating na taon.

Mabigat man sa kalooban ay oo pero sana yung share sa pie mas malaki pa rin yung infrastructure dahil sa pamamagitan ng infrastructure may trabaho pa rin naman tayong maibibigay, suwelso at kita sa mga taong makikilahok sa paggawa ng anumang infrastructure projects. At least pagnatapos yon hindi lamang tayo nakatulong sa pamamagitan ng labor meron pa tayong natapos na kalye, tulay o school building dahil sa paggamit ng pondo sa ganoong paraan.

It’s about time daw na i-pursue na yung divorce bill, suportado mo ba ito? Kasi daw mahirapa ng process ng annulment

Ang pagkakaiba ng divorce sa annulment, legally ang annulment yung ground at basehan dapat ang-eexist nong kinasal kayo. Ang divorce yung ground o basehan pwedeng mag-exist pagkatapos nyo nang ikasal. Kaya halimbawa sa Amerika matapos nyong ikasal, incompatibility, divorce kayo. Pero yung batas antin sa Family Code mayroong catch phrase na bumubukas nang kaunti patungo sa diborsiyo. Nakalagay kasi sa Article 36 ng Family Code yung basis ng psychological incapacity as a ground for annulment must exist at the time of marriage, and this is the questionable phrase, event though it became apparent after the marriage. So medyo not here nor there yon, hindi yon tumutugma don sa legal at teknikal na pagkakaiba ng divorce sa annulment. Para sa akin may amtinding away na nga ang gobyerno at Kongreso at ang Simbahan kugnay ng RH bill, hindi ito ang tamang panahon para dagadagan na naman yan, ang dapat iimprove ng Kongreso kung meron man, yung accessibility at affordability nong kasalukuyang mga procedure para sa annulment ng Family Code para ma-avail yan ng mahihirap nating kababayan. Halimbawa, biksan ng PAO ang kanilang tanggapan para tumanggap ng annulment cases, halimbawa, mag-allocate ng pool ng libreng psychologists ang DOH, ang DSWD, para mabigay ng libreng opinion at konsultasyon para sa sinumang nagnanais.

Pero kung tapos na yung usapin ng RH bill at pag-usapan yung divorce, suportado nyo ba ito?
photo from:sammsimpsonfor congress.com

Again sa palagay at pananaw ko hindi ito napapanahon pa, dapat ang iimprove natin accessibility and affordability. The debate about (inaudible) between divorce and annulment as I’ve said has been blurred by the current wording of Article 36 of the Family Code.

Mahirap ba talaga yung process ng annulment sa ngayon?

Isipin din kasi natin minsan ito, hindi naman ganoong kadali ring pag-aralan yon, kung gagamitin nating basehan, halimbawa, yung pangugulpi, kunyari lang, bilang ground, eh di dapat idagdag din natin sa batas yung nanggugulpi bawal magpakasal, dahil pagpinayagan natin siyang idoborsiyo ng ginugulpi nya eh di maghahanap lang yon ng iabng gugulpihin, dapat kasama sa probisyon at panukalang batas kung saka-sakali ang pagbabawal na kung sino man ang may sala o may kasalana, o may ginawang pagkukulang, kung mapapasa man ang panukalang batas na ito, ay hindi pahintulutan na magawa rin nya ito sa ibang tao   na magiging biktima na naman uli. Isang halimbawa lamang yan ng konsiderasyon na hindi naman dapat ganoon kadali yung ating kaisipan kaugnay nito.

On a bill criminalizing stalking

Actually panukalang batas ito para sa mga masyadong publiko na yung buhay at nais manatili at may maiwan paring pribadong aspeto sa kanialng mga buhay labas sa ilaw ng camera, labas sa atensiyong nais ibigay sa kanila ng publiko, nasa pulitika man sila, showbiz, sports o saan man. Hindi ko sasabihing earth-shaking o makakapagbuti ito ng buhay ng maraming tao pero ang importante mayroon tayong ganitong batas upang sa gayon maprotektahan yung minorya man na nagdurusa sa ganitong uri ng sitwasyon.

Well nedefind naming yung stalking, malayo yon sa paparazzi, magkaiba yon, sa depinisyon naming, sa panukalang batas iba ang intension at iba ang nais naming saklawain. Hindi pasok don yung paparazzi.

May imprisonment?

Meron, for sure meron.

I-postpone daw yung barangay elections

Pabor ako don, pabor akong ipagpaliban ang barangay elections pero hindi pa rin ako pabor na i-synchronize yon sa national and local elections sa 2013 man o sa 2016. Kahit ilasng buwan man lang, ang rason ay marami, una, halimbawa, non-partisan dapata ng barangay elections, bakit mo isasabay at ihahalo sa maliwanag na political party at partisan na halalan. Pangalawa kung sa ngayon ay mahaba na yung balota na back-to-back pa, lalo na pagsinama natin yung mga kanidato sa mga barangay baka maging two or three pages na yung balota natin sa darating na halalan. At panghuli pag-isabay at isama mo yan halos lahat nang makakasalubong mo sa kalye kumakandidato at tumatakbo. Again hindi tamang paghaluin yung non-partisan sa clearly partisan electoral activity.

Hiwalay din naman bakit kailangang ipostpone?

Maikli naman kasi masyado yung termino nila, napakaikli na nga napakaliit pa ng suweldo, anong magagawa at pwede nilang maiwang alaala sa kanialng mga barangay, kung hindi. At in the past I think it has been postponed on several occasions too. Ang nangyayari lang kasi noon, ipopostpone para lang mapostpone muna kahit alam namin na hindi yon ang permanenteng solusyon. Sana pagpinostpone ang barangay elections i-set na rin naming yung term, i-set naming yung tamang gap ng elections nang hindi manaka-naka ay binabago at niri-reset at sini-set ulit.

Ilang taon yung ideal sir?

Para sa akin apat.

Pero para kay Chairman Brillantes huwag na daw idaan sa eleskyon kundi i-appoint na lang daw yung mga barangay officials

Well option din yon, dati kasi ina-appoint lamang ang kapitan del baryo pero sang-ayon sa Local Government Code dapat botohin at ihalal sila unless maamyendahan ang batas, yan pa rin ang magiging sistema ng pagpili ng mga barangay leaders natin.

Kung ipopostpone yung barangay elections kailangan pa ring magpasa ng batas?

Definitely kailangang magpasa ng batas bago ipostpone yon dahil may naunang batas na sini-set yan.

On PCOS machine

photo from: senate.gov.ph
Well pinagdaanan na ng Korte Suprema yung legalidad, kabilang yung bidding, presyo at kung disadvantageous to the government or not, hindi na para sa oversgith committee na gawin pa yon. Ang dapat siguro tingnan at pagtuunan ng oversight committee ay yung mga glitches na nangyari nong nagdaang 20120, na ito ay hindi na maulit pang muli at madagdagan ng panibagong glitches pa. Buo ang tiwala ko na aasikasuhin at inaasikaso nya yan dahil matindi at mabigay na adbokasiya nya yan- electoral fraud- at matiyak na hindi na mngyayari.

Sir P1.8 billion ang amount na involved, hindi ba napakalaki yan?

Actually mas mura pa yon kung ikukumpara mo sa sitwasyon kugn saan bibili tayo ng bago at may bagong contractor na magproprovide dahil na rin sa naunang sistemang prinovide ng Smartmatic.

Sir hindi ba mas makakatipid kung list na lang sa halip na bumili mismo ng… obsolete na rin yon….

Again tinimbang na at sinukat ng Korte Suprema yung legalidad, yung pagsunod o pagtalima sa bidding procedure at kung disadvantageous o hindi sa pamahalaan yan, hindi na para sa amin o para sa akin na sabihing mali o tama yon.

Maraming reklamo tungkol sa PCOS, isa na ko sa nagrereklamo don noon, pero ayon sa statistics ng Comelec, lahat ng recount nila, lahat so far, kung ano yung nabilang ng PCOS at angign resulta ng halalan nong nirecount nila yung mga balota yung pa rin ang eksaktong lumabas. Sa katunayan ayon sa Comelec, ulit ang gagamitin ko ang statistics ng Comelec, wala pa daw protestang nananalo tungkol don sa maling bilang ng PCOS sa local na mga laban ha,  sa local na mga laban. Wala naman kasing protesta sa national na laban nong 2010, maliban yung kay Vice President Binay. Kay Migz nong 2007, not 2010.

Paano yung source code who will validate it, will you have access like Congress?

Ganoon siguro ulit ang gagawin, parang ako noong ako ang chairman ng electoral reforms committee, binigay sa amin, pinagbigay-alam sa amin at binigyan din kami ng access. Alalahanin nyo rin si Chairperson Brillantes hindi rin isa ron sa mga kumbinsido rito sa PCOS nong nagdaan eleksyon, so kung anumang reservation meron siya noon marahil dala pa rin niya yon hanggang ngayon at marahil alam nya yung mga issues na dapat i-address ng PCOS machine na ito dahil bahagi siya ng grupo, sector at mga tao na may malaking reservation tungkol dito sa PCOS machine nong 2010.

Yung creation ng new Congressional districts, will that cost yung P70 (million) na kailangan din nila?

Automatic yon kung P70 million man o P100 million, hindi ko alam magkano na ngayon eh, automatic yon, kaya sa punto de vista ng probinsya na may bagong likhang distrito, dagdag na pondo mula sa national government yon para sa probinsyang yon. (So lalaki na yung pondo para sa PDAF?) Lalaki.

Kung mapapasa yon for October by 2013 hindi ba karagdagang gastos yon?

Yes. Oo pero alalahanin nyo rin ang prinsipyo at paninindigan sa Saligang Batas, for example, that there shall be no taxation without representation, pagdagdag ito ng kinatawan at boses sa Kongreso dahil sang-ayon sa Konstitusyon dapat may isang kinatawan kada 200,000 tao, siguro dapat baguhin natin ang Konstitusyon kung nais nating bawasan yon, one congressman per 500,000 or at least one per province, hindi ko alam, pero sa ngayon yung batas one congressman equals 200,000 (people).

-END-

No comments: